Inspired akong:
- Matulog. Kailangan ba ng inspirasyon sa pagtulog o ma-inspire matulog? Ewan. Gusto kong palaging natutulog; at masarap matulog; at masaya ako habang natutulog at tuwing pagkatapos matulog (in other words, masaya ako paggising); at sa paggising, gusto ko nanamang matulog. . .
- Kumain. Wala na akong pakialam kung tataba man ako o hindi. No more rules sa type of food at quantity of food. Inspired akong kumain dahil masarap ang pagkain at kinikita ko ang pinambibili ko ng pagkain. . . Actually, masaya lang talaga ang kumain at masaya ang buhay kaya dapat hindi pinipigilan ang sarili sa pagkain!!! Kung meron lang din naman. . .
- Matuto. Ang blog na ito ang isa sa mga produkto ng inspirasyong ito. Inspired akong matuto lalo na sa mga related sa kahinaan ko, una sa listahan ang gaheto. Isali na rin ang pagsusulat sa wikang Filipino. Maliban sa mga gaheto at teknolohiya, inspirado rin akong matuto ng marami pang bagay na may kinalaman sa buhay, pamilya, pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaral at marami pa. . .
- Magsulat. Napakatagal na panahon akong nalayo sa interes na ito dahil sa hindi gaanong masayang mga rason. Dalawang taon at sampung buwan!!! At sa blog ko pa nagawa itong muli.
- Magbasa. Ang mga aklat ay tinuturing kong mga kaibigan. At tulad ng pagkakaibigan, ako at ang aking mga aklat ay may mga pinagdadaanan. Hindi sa lahat ng panahon ay nagkakasundo kami ng aking mga nababasa kaya dumadaan din kami sa mga pag-aaway, dulot ng individual differences. Pero sa huli, nananaig ang pagkakaibigan.
- Magturo. Ito ang pinakamasaya at pinaka-rewarding (haha, ang hirap i-translate) na trabahao. Syempre opinyon ko lang ito. Sa pagtuturo, ako ay natututo rin. Sobra.
- Maging Masaya. Tumawa ng malakas. Umiyak habang tumatawa. Basta, maging laging masaya.
- Marami pa.
No comments:
Post a Comment